Sa Duyan Ng Pag-Ibig

Regine Velasquez

Compositor: Nicole Macapagal

Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon lamang mahihimbing
Ang puso kong nalunod sa dilim
Dahil sa huwad na pag-ibig

Aa duyan ng iyong paglingap
Doon lamang mahihimlay
Sa puso kong naanod ng ulan
Palayo sayo, o aking buhay

Kay rami nang kandungang
Nagbigay ng kasiyahan
Ngunit dulot na aliw ay palara lang
Walang hanggang ligaya
At walang hanggang pag-asa
Sa iyo ko lang nakita
Lagi kong alaala

Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon ako matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa, puso't kaluluwa
Nating dalawa, sinta

Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon lamang matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa, puso't kaluluwa
Nating dalawa
Sa duyan mo, sinta

©2003- 2026 lyrics.com.br · Aviso Legal · Política de Privacidade · Fale Conosco desenvolvido por Studio Sol Comunicação Digital